LTO, nilinaw na hindi kailangang magsuot ng face mask kung mag-isa lang sa sasakyan

Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na mandatory lamang ang pagsusuot ng face masks sa mga private car users kapag mayroong dalawa o higit pang tao sa loob sa sasakyan.

Ayon kay LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, magsusuot lamang ng face mask kung may mga kasama sa sasakyan.

Hindi kailangang magsuot nito kung tanging driver lamang ang nasa loob nito.


Kahit sila ay nasa iisang bahay o magkakapamilya, dapat pa ring magsuot ng face masks ang driver at pasahero kapag nasa sasakyan na.

Binigyang diin ni Galvante na hindi huhulihin ang mga driver na hindi makakasunod sa bagong patakaran.

Sa halip, bibigyan muna sila ng warning at aabisuhan tungkol sa bagong polisya.

Sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay magpupulong para linawin ang ilang patakaran hinggil dito.

Facebook Comments