LTO, nilinaw na hindi pinagkakakitaan ang Comprehensive Driver’s Education program

549

Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na hindi dagdag-kita ang habol sa Comprehensive Driver’s Education program (CDE)

Ayon kay LTO Chief Asec. Edgar Galvante, walang katotohanan na money making scheme ang pag-enroll sa theoretical driving course.

Aniya, naglalaman ang CDE ng mga module na layong paalalahanan ang mga nagmamaneho kung paano manatiling ligtas sa kalsada.


Iginiit din ni Galvante na lahat ng bayad sa kanila ay dumideretso sa kaban ng bayan at hindi sa kanilang mga bulsa.

Facebook Comments