Dumipensa ang Land Transportation Office sa nasilip ng Commission on Audit na 3.9 million na halaga ng cellular phones at tablets at prepaid load na binili mula 2015 hanggang 2017.
Batay sa obserbasyon ng COA, sobrang magastos ang 3.9 million para sa pagbili ng mga IPhone 6 plus, I Phone 7 at I Pad mini mula 2015 hanggang 2017.
Sa ilalim ng COA Circular No. 2012-003, kailangang maging maingat ang mga ahensya ng gobyerno sa paggamit ng pondo ng bayan.
Ayon kay LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, walang disallowance na nasilip ang COA sa pagbili ng naturang high end gadget.
Sa katunayan aniya, regular ang diyalogo ng ahensya sa COA at tiniyak nila na nakatugon naman sila sa legal na proseso ng nangyaring procurement.
Facebook Comments