Cauayan City, Isabela- Balik operasyon na ang Land Transportation Office (LTO) Region 2 sa kabila ng mas pinaigting na pagsunod sa alituntunin at makaiwas sa banta ng virus.
Ayon kay Administrator Head Manny Baricaua ng LTO Region 2, sasailalim ang lahat sa tinatawag na ‘new normal’ lalo na sa mga magtutungo sa mga tanggapan ng LTO sa lambak ng Cagayan.
Giit ni Baricaua na hindi lahat ng mga magtutungo sa mga tanggapan ay aasikasuhan sa kadahilanang isasaalang-alang ang kanilang sitwasyon gaya na lamang sa mga buntis, elderly at 20 anyos pababa at sundin pa rin ang pagsusuot ng facemask para makaiwas sa sakit.
Lahat naman aniya ng uri ng transaksyon ay gagawin sa kanilang balik-operasyon subalit hihigpitan pa rin ang mga guidelines sa panuntunan sa pagtungo sa kanilang mga tanggapan.
Pinaalalahanan naman ni Baricaua ang publiko na magkakaroon ng transaksyon sa mga LTO offices na kumpletuhin ang lahat ng mga requirements para matiyak na magiging maayos ang lahat.
Sa ngayon ay ipatutupad pa rin ang mas mahigpit na pagkuha ng lisensya ng mga motorista.