Pag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) ang mungkahing pagtatatak sa official receipt/certificate of registration (OR/CR) ng mga may-ari ng sasakyan upang matukoy kung pinalawig pa ang validity ang kanilang lisensya.
Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, inihahanda na nila ang mga hakbang sa sandaling hindi bawiin ng korte ang naunang kautusan nito na pumipigil sa pamamahagi ng mga plastic license card.
Naniniwala naman si Mendoza na mawawala na rin ang inilabas na TRO sa pagpapalabas ng mga plastic driver’s license card at matutugunan na rin nito ang mga backlog na pangunahing prayoridad ng ahensya.
Matatandaang ipinahinto pansamantala ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215 sa LTO ang pamamahagi ng mga lisensya mula sa nanalong bidder na Banner Plasticard Inc.