LTO, pagmumultahin ng hanggang ₱15-K ang mga taxi driver na mahuhuling tatanggi sa mga pasahero

Aabot sa ₱5,000 hanggang ₱15,000 ang karampatang multa sa taxi driver na mahuhuling tatanggi sa mga pasahero sa mga lungsod sa Metro Manila.

Una rito, inanunsiyo na ng Land Transportation Office (LTO) National Capital Region West na ipatutupad ang “Oplan Isnabero” ngayong araw dahil itong panahon din ay bumabalik na ang libo-libong tao sa Metro Manila dahil sa maluwag na restrictions kasunod ng Semana Santa.

Magtatagal hanggang April 14, 2023 ang pagpapatupad ng Oplan Isnabero kung saan nakasaad sa Regional Office Order No. 54, na huhulihin ang mga taxi driver na tumatanggi o pumipili ng pasahero sa kanilang pag-uwi mula sa mga bus station.


Samantala, nagbigay paalala rin ang ahensya sa mga taxi driver na seryosohin ang kanilang responsibilidad sa publiko bilang tugon sa kahilingan ng serbisyo sa transportasyon.

Facebook Comments