
Sinuspende na ng Land Transportation Office (LTO) sa loob ng 90 araw ang lisensya ng driver ng dump truck na umararo sa hindi bababa sa 16 na concrete barriers sa EDSA-Santolan Bus Carousel sa Quezon City.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza, ipinatawag na rin ng ahensya ang naturang driver at ang may-ari ng dump truck upang pagpaliwanagin.
Kasunod na rin ito nang inilabas na show cause order ng LTO-intelligence and investigation division para sa pagdinig sa LTO central office sa Quezon City sa Lunes, Marso 31.
Pinagsusumite rin ang mga ito ng written at notarized letter para ipaliwanag ang kanilang panig sa nangyari.
Facebook Comments