LTO, pinagpapaliwanag na ang nakatulog na driver habang nagmamaneho ng pick-up truck

Ipinatawag na ng Land Transportation Office (LTO) ang nakatulog na driver habang nagmamaneho ng pick-up truck.

Sa nag-viral video, makikita ang pick-up truck na mabagal na umaandar habang tinatangkang gisingin ng mga motorista ang nakatulog nitong driver.

Nagpalabas na ng show cause order si LTO-Intelligence and Investigation Division Chief Renante Melitante sa registered owner ng itim na Ford Ranger upang pagpaliwanagin kung bakit hindi ito dapat parusahan.


Ang rehistradong may-ari ng pick-up truck ay residente ng Quezon City.

Kabilang sa mga posibleng paglabag ng driver ay reckless driving, driving under the influence of liquor at unauthorized person to operate a motor vehicle.

Inilagay na rin sa alarma ang Ford Ranger habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Facebook Comments