LTO PLATE DISTRIBUTION CARAVAN, ISASAGAWA SA MANGALDAN

Nakatakdang magsagawa ng Plate Distribution Caravan ang Land Transportation Office (LTO) Dagupan City District Office sa Lunes, Agosto 11, 2025, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM sa Mangaldan Municipal Hall Grounds.

Layon ng aktibidad na ito na mapabilis ang pamamahagi ng mga naantalang plaka, lalo na sa mga motorsiklong nairehistro noong 2017 pababa, bilang paghahanda sa pagpapatupad ng “No Plate, No Travel Policy” sa Oktubre.

Pinapayuhan ang mga kukuha ng plaka na dalhin ang orihinal at photocopy ng OR/CR, valid ID ng rehistradong may-ari, at Deed of Sale kung hindi pa nailipat ang pagmamay-ari. Maaaring i-check online sa www.ltotracker.com kung available na ang plaka.

Hinimok ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno ang publiko, lalo na ang mga miyembro ng TODA, na makilahok sa caravan upang maiwasan ang multa at abala sa mga darating na buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments