LTO, problemado sa pagpapatupad ng Anti-Distracted Law dahil sa mga kotseng may tint

Manila, Philippines – Aminado si Law Enforcement Service Deputy Chief of Operations Retired Col. Rolando Abelardo na mahirap sa kanila gamit ang naked eye o sa simpleng pagtingin na makkiita ang mga gumagamit ng Electronics gadgets gaya ng cellphone para malaman kung sinu-sino ang mga lumalabag sa Anti Distracted Driving Act.

Ayon kay Abelardo dahil sobrang makapakal ang tint ng ibang pribadong sasakyan, kaya pumupwesto ang mga LTO Law Enforcers malapit sa Stop Light dahil kapag nag-slow down ang isang motorista ay kanila itong masisilip kung gumagamit ng cellphone o at ibang electronics gadget.

Paliwanag ni Abelardo dapat ay ipagbawal na ang paggamit ng mga tinted na mga sasakyan upang agad makita nila kung sino ang mga sakay nito.


Matatandaan noong nakaraang mga buwan ay inumpisahan ng LTO Law Enforcement Service ang pagtanggal ng kanilang mga sasakyan ng mga madidilim na tint upang madali silang makikita ng mga motorista kung ano ang kanilang ginagawa sa loob ng mobile.

Facebook Comments