Nagbabala ang Land Transportation Office Region 1 sa publiko laban sa mga pekeng Facebook page na nagpapanggap bilang opisyal na LTO Region 1.
Ito ay kasunod ng mga ulat ng mga nagpo-post ng job hiring o nag-aalok ng serbisyo kapalit ng malaking halaga, na mariing pinabulaanan ng tanggapan.
Ayon sa tanggapan, iisa lamang ang opisyal na social media page ng LTO Region 1 kung saan makakakuha ng tama at lehitimong impormasyon.
Hinikayat ng tanggapan ang publiko na sundan lamang ang lehitimong page upang maiwasan ang panlilinlang at mapanatili ang kaligtasan sa transaksyon at impormasyon.
Facebook Comments








