Nagsagawa ang Land Transportation Office (LTO) Region 1 ng plate distribution activity sa lungsod ng Urdaneta bilang tugon sa direktiba ng DOTr at ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pinangunahan ito nina Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez at Assistant Regional Director Engr. Eric C. Suriben, katuwang ang LTO Binalonan at Regional Law Enforcement Section (RLES).
Layunin ng aktibidad na mapabilis ang pamamahagi ng plaka sa mga rehistradong may-ari ng sasakyan, bilang bahagi ng kampanya ng ahensya na maibsan ang backlog sa mga plaka at mailapit ang serbisyo sa publiko.
Maraming motorista ang dumalo upang kunin ang kanilang matagal nang hinihintay na plaka, habang tumutulong ang mga tauhan ng LTO para sa maayos na proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







