Naglabas na ng iskedyul ang Land Transportation Office Region 1 para sa programang libreng sakay ngayong Abril 7, 2026 bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa rehiyon. Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng ginhawa sa mga commuters na apektado ng mataas na presyo ng gasolina at diesel.
Ayon sa ulat, ang gagamiting bus na may plate number CXG 923 ay maaaring tumanggap ng nakatayong pasahero, at pinasalamatan ng lto ang suporta ni DAR Sec. Conrado Estrella III sa pagbibigay ng fuel assistance na naging mahalagang bahagi ng serbisyong ito.
Para sa unang araw ng programa, magsisimula ang biyahe ng umaga mula san fernando patungong rosario, at mula rosario patungong sudipen. sa hapon naman, magkakaroon ng pabalik na ruta mula San Fernando City patungong Rosario at pabalik sa San Fernando City.
Sa mga susunod na araw, patuloy na maglilingkod ang bus sa dalawang pangunahing ruta: San Fernando City patungong Rosario at pabalik, at San Fernando City patungong Sudipen at pabalik. nilinaw ng LTO Region 1 na ang lahat ng libreng biyahe ay ligtas para sa publiko at sumusunod sa tamang safety protocols.
Ayon sa opisyal, ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na hakbang ng lto sa rehiyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga commuters at masiguro na ang transportasyon ay abot-kaya at maaasahan sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










