Pinaigting ng Land Transportation Office Region 1 ang inspeksyon at pagbabantay sa kaligtasan ng mga motorista sa kanilang pagbabakasyon.
Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos!, tuloy- tuloy ang isinasagawang monitoring sa traffic congestion at inspeksyon sa mga bumabyaheng sasakyan.
Ngayong Semana Santa, tiniyak din ng tanggapan na sumusunod sa safety standards ang mga pampublikong sasakyan sa mga bus at common terminals.
Panawagan ng tanggapan sa mga motorista na sumunod sa mga regulasyon upang maiwasan ang aksidente sa mga kakalsadahan ngayong peak travel season. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments