LTO REGION 1, PINAIGTING ANG OPERASYON LABAN SA MGA KOLORUM NA SASAKYAN SA ILOCOS NORTE

Pinaigting ng Land Transportation Office Region 1 (LTO-1) ang operasyon laban sa mga kolorum na sasakyan sa Ilocos Norte bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas-trapiko sa rehiyon.

Sa Anti-Colorum Campaign, tinututukan ang mga pampasaherong sasakyan na bumibiyahe nang walang kaukulang prangkisa o rehistro.

Kasabay nito, ipinatupad din ang “Oplan Ilaw” upang masuri ang mga sasakyan sa labis o maling pagkakabit ng ilaw at iba pang accessories na maaaring magdulot ng panganib sa kalsada.

Ayon sa LTO Region 1, ang mga hakbang na ito ay bahagi ng istriktong pagpapatupad ng batas trapiko upang tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero at mapanatili ang kaayusan sa kalsada.

Facebook Comments