LTO REGION 1 PINAIGTING ANG OPLAN ILAW AT ANTI-COLORUM CAMPAIGN

Pinaigting ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang pagpapatupad ng Oplan Ilaw at Anti-Colorum Campaign alinsunod sa direktiba ng pambansang pamahalaan.

Mas pinaigting ng Regional Law Enforcement Section (RLES) ang operasyon upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada at mas mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko sa buong rehiyon.

Ang Oplan Ilaw ay nakatuon sa tamang paggana ng mga ilaw ng sasakyan upang mabawasan ang aksidente lalo na sa gabi at sa mababang visibility.

Samantala, tinutugis ng Anti-Colorum Campaign ang mga pampublikong sasakyang walang permit o prangkisa na kilala bilang “colorum” vehicles.

Nagsagawa ang RLES ng serye ng operasyon sa mga piling lugar sa Region 1 upang hulihin ang mga lumalabag at magbigay ng paalala sa mga driver at operator tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments