LTO region 10, nagsimula ng mag-inspection sa mga public utility vehicle

Cagayan De Oro, Philippines – Sinimulan na kahapon ng Land Transportation Office o LTO region 10 ang pag-inspeksyon ng mga public utility vehicles at sa mga operator nito kahit malayo pa ang Holy Week.

Ayon kay LTO 10 regional Director Oscar Salcedo, na sinimulan na nila ang paghahanda para sa pagdami ng volume ng mga pasahero sa mga terminal dito sa siyudad.

Dahil dito, susuriin ng ahensiya ang engine, side mirror, ilaw at brake ng mga bus upang maiwas sa aksidente ang mga pasahero.


Hinikayat din ni Salcedo ang mga bibiyahe na mga pasahero na agahan ang kanilang pagbiyahe, at hindi na hintaying mapuno pa ang mga terminal ng mga commuters.
Nation”

Facebook Comments