LTO sa Bicol Region, tuloy pa rin ang pagpapatupad sa LTO Oplan Ligtas Biyahe para sa balik-eskuwela

Bicol Region, Philippines – Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapatupad ng Land Transportation Office sa Bicol Region ng Oplan Ligtas Biyahe para sa pagbubukas ng klase ngayon taon.

Bukod sa pagbabantay sa mga lalabag sa batas-trapiko, kasama rin dito ang pag-tsitsek ng mga kolorum at mga out of line na mga pampublikong sasakyan.

Ito ay para tutukan ang seguridad ng mga sasakyan ng mga pasahero lalo na ng mga estudyante ngayong balik-eskuwela.
DZXL558, Leo Barcellano


Facebook Comments