LTO SAN FERNANDO, LA UNION, BALIK SERBISYO MATAPOS ANG PANANALASA NI EMONG

Balik serbisyo at nagpatuloy ang frontline services ng Land Transportation Office (LTO) sa lungsod ng San Fernando matapos anang pansamantalang pagkaantala bunsod ng bagyong “Emong.”

 

Dahil sa naranasang malawakang pagkawala ng kuryente at internet, naapektuhan ang operasyon ng mga tanggapan.

 

Subalit sa patuloy na pagbangon, bukas na sa serbisyo ang mga sumusunod: LTO Regional Office No. 1, San Fernando District Office, at San Fernando Licensing Center.Layunin ng ahensya na agad maibalik ang normal na serbisyo para sa kapakanan ng publiko.

 

Dagdag pa ng pamunuan ang patuloy na koordinasyon sa mga utility providers upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon at maiwasan ang muling pagkaantala.

 

Tiniyak din nila na ipatutupad pa rin ang mga health at safety protocols para sa maayos at ligtas na pagproseso ng mga dokumento at serbisyo para sa mga motorista at mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments