CAUAYAN CITY- Magkakaroon ng Mobile Licensing and Registration ang Land Transportation Office San Isidro District Office sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng programang License the Outskirts: Kampanya Balik Rehistro/Lisensya “aLTOgether let us practice in order in the road” kung saan gaganapin ito sa ika-7 ng Disyembre.
Kabilang naman sa mga libreng serbisyong ihahatid ay ang Driver’s License Renewal at Vehicle Renewal habang sa student permit naman ay may babayarang P250 para student permit fee P500 para sa medical fee.
Samantala, upang makakuha ng libreng theoretical driving course ay kinakailangan lamang na magdala mga kaukulang dokumento katulad ng Valid ID’s, birth certificate, Medical Certificate, LTMS account, at marami pang iba.