LTO, sang-ayon sa imbestigasyon ng Kamara sa kakulangan ng supply ng plastic cards sa paggawa ng lisensya

Welcome development sa pamunuan ng Land Transportation Office o LTO ang anumang ikakasang imbestigasyon ng Mababng Kapulungan ng Kongreso hinggil ng kakulangan ng supply ng plastic cards para sa mga driver’s license.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Jay Art Tugade walang problema sa kanila ang pagsasagawa ng imbestigasyon na maaaring gawin ng Kamara at makikipag-ugnayan sila sa gagawing pagsisiyasat.

Paliwanag ni Tugade na paraan din aniya ito upang makabuo ng batas ang Kongreso para sa epektibong procurement process ng LTO.


Matatandaang pinalawig pa hanggang Oktubre ng LTO ang bisa ng mga lisensiyang mapapaso ngayong Abril dahil kapos umano sila sa ginagamit na plastic card para sa driver’s license.

Facebook Comments