Tinanggal muna sa kanilang trabaho ng Land Transportation Office (LTO) ang apat na enforcers Field Enforcement Division.
Ito’y matapos kumalat ang isang video na nangingikil umano ang mga ito sa Bulacan noong weekend.
Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade, iimbestigahan muna nila ang insidente at nangakong papanagutin ang mga sangkot sakaling napatunayang sangkot sila sa extortion activities.
Batay sa viral video, nangingikil umano ng ₱8,000 ang apat na LTO enforcers sa isang motorista na kanilang sinita sa Bocaue, Bulacan na patungo sa Philippine Arena.
Ipinatawag na ng LTO ang mga enforcers na sakay ng LTO Mobile #14 na may plate number na SHS-234 na nakuha sa video.
Sa sandaling mapatunayang sangkot sa extortion activities, tiniyak ni Tugade na tatanggalin at sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang apat na enforcers.