Inumpisahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang distribusyon ng mga bagong at enhanced number plates para sa mga motorsiklo sa National Capital Region (NCR).
Mula nitong August 24, ang LTO-NCR ay mayroong total backlog na nasa 1,386,895 motorcycle plates.
Mula sa nasabing backlog, 235,262 motorcycle registration transactions ang ipinadala sa Central Office Plate Manufacturing Plant (CO-PMP) para sa plate production sakop ang CY 2018 motorcycle registration.
Tinatayang nasa 70,000 plaka ang natanggap ng LTO-NCR na handa nang ihatid sa mga may-ari ng motorsiklo.
Ang nasabing planta ay kayang gumawa ng 7,500 motorcycle plates kada araw.
Ang enhanced plates ay may mga bagong safety features tulad ng RFID sticker, QR code, at reflectorized sheeting.