LTO, SINUSPENDI ANG LISENSYA NG VIRAL NA KASKASERONG BUS DRIVER SA LA UNION

Sinuspinde ng Land Transportation Office ng 90 araw ang Lisensya ng kaskaserong bus driver na nakuhanan ng video sa La Union.

Kahapon, sa pagsasagawa ng operasyon ng LTO Regional Office 1, naaktuhan ang bus driver kung saan ito inaresto sa pakikipagtulungan sa La Union Police Provincial Office.

Naging viral ang ang video ng isang ginang na sakay ng naturang bus na nagmamakaawang ihinto ang sasakyan dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng driver.

Tinakbo ng bus ang rutang Balaoan hanggang Bacnotan, La Union sa loob lamang ng limang minuto na masyadong mabilis Umano kumpara sa karaniwang 15 minutong biyahe.

Suspendido rin ang operasyon ng bus company nito ayon sa LTO.

Inimpound na rin ng ahensya ang naturang sasakyan.

Nanawagan ang LTO na gamitin ang Social media o di kaya ang kanilang hotline upang ireport ang mga reckless driver na walang takot na lumabag sa batas trapiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments