
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng tsuper ng jeepney na nag-viral makaraang mahagip ang isang indibidwal sa Carriedo sa Maynila.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, isinailalim na rin sa alarma ang pampasaherong jeepney, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Sinabi ni Mendoza na pagpapaliwanagin ang naturang driver ng jeep, bilang bahagi ng due process.
Nagpadala na rin ang LTO ng show cause order laban sa may-ari ng pampasaherong jeepney.
Sa viral video sa social media, makikita na sa kasagsagan ng ulan ay nahagip ng jeepney driver ang isang tao.
Nagsisigaw ang mga tao at sinabihan ang jeepney driver na isakay ang tao at dalhin sa ospital.
Facebook Comments









