
Sinuspinde ng 90-days ng Land Transportation Office (LTO) ang isang vlogger na sangkot sa road rage.
Makikita sa nag-viral na video ang vlogger na ayaw magpa-overtake sa kasabayang motorista sa isang pampublikong kalsada.
Pagdating sa isang stop light ay bumaba ng kanyang sasakyan ang vlogger at nilapitan ang kasabayang sasakyan at pilit kumakatok sa bintana at pinagsalitaan ng masama ang driver nito.
Dahil dito, agad na naglabas ng show cause order si LTO Chief Markus Lacanilao upang paharapin ang may-ari ng sasakyan at ang driver sa opisina ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa January 29, 2026 ng 1:00 PM.
Pagpapaliwanagin ang mga ito kung bakit hindi sila dapat managot sa kasong reckless driving at improper person to operate a motor vehicle.
Habang isinasagawa ang imbestigasyon, inilalagay ng LTO sa alarm status ang naturang sasakyan.










