Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) sa loob ng 90 days ang rehistro ng truck na sangkot sa madugong karambola ng sasakyan sa Katipunan Flyover sa Quezon City na ikinasawi ng apat na tao at ikinasugat ng 25 iba pa.
Ginawa ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang kautusan matapos malaman sa imbestigasyon na ang rehistradong engine number ng Isuzu Wing Van Truck na may Plate No. RJK719 ay iba sa engine na naitala sa mga natuklasan ng North Motor Vehicle Inspection Center (NMVIC) team.
Napag-alaman din sa imbestigasyon na maraming beses na nahuli ang trak dahil sa overloading mula 2021 hanggang 2023.
Dahil sa pagkakadiskubre sa mga naturang paglabag, pinakumpiska ng LTO ang plaka ng trak.
Facebook Comments