LTO, sinuspinde na ang lisensiya ng abogadong dating opisyal ng DPWH matapos nakipag-away sa isang guard ng subdivision

Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiyang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakipag-away sa isang guard ng subdivision sa Quezon City.

Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, nasa ilalim ng 90 days na preventive suspension ang lisensiya ng abogado at opisyal ng DPWH.

Nag-isyu na rin ang LTO ng show cause order laban sa naturang opisyal ng DPWH na una na ring sinibak sa puwesto ni DPWH Secretary Vince Dizon.

Inatasan na rin ng LTO ang dating opisyal na isuko ang kanyang driver’s license bago o sa mismong naka-schedule na hearing nito sa Setyembre 23.

Nag-ugat ang isyu sa reklamo ng security guard na pinagmumura siya ng abogado matapos hindi papasukin sa subdivision.

Umalis noon ang DPWH official sa lugar pero bumalik ito na may kasamang mga pulis at pinaaresto ang security guard.

Facebook Comments