LTO, target matapos ang produksyon ng 90% ng license plate backlogs sa katapusan ng 2023

Target ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang produksyon ng 90% ng license plate backlogs sa katapusan ng 2023.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, gagamitin ng ahensya ang sariling planta nito para makagawa ng mga plaka, kahit ilang porsyento ng kabuuang kakulangan bago matapos ang 2022.

Para naman sa mga plaka na hindi matatapos na magawa ngayong taon, sinabi ni Guadiz na plano ng LTO na kumuha ng sebisyo ng pribadong kompanya para kayanin na makumpleto ang kahit 90% lamang na mga backlogs sa pagsapit ng December 2023.


Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.4 bilyong pondo para matugunan ang mga backlog sa plaka.

Sa ngayon aniya ay umaabot na sa 2.3 milyon na pares na “replacement place” o mula sa “green plate” patungo sa black and white ang kailangan matapos.

Habang, nasa 11.5 milyon naman ang backlog para sa mga plaka ng motorsiklo.

Samantala, nilinaw ni Guadiz na walang backlog ang LTO sa paggawa ng mga plaka para naman sa bagong rehistradong sasakyan.

Facebook Comments