LTO, target na makapagparehistro ng 5-M na sasakyan kada buwan

Puntirya ng Land Transportation Office (LTO) na makapagparehistro ng sasakyan na hindi bababa sa 5 milyon kada buwan.

Hinamon ni LTO Chief Vigor Mendoza ang mga kawani ng ahensya na simulan ang isang makasaysayang pagsisikap para sa organisasyon.

Nais ni Mendoza na palakihin ang kita ng LTO nang hindi lamang umaasa sa apprehensions.


Hinihimok din ang iba pang deputized enforcers, kabilang ang tollway deputized enforcers na panindigan nila ang batas hindi lamang sa mga tollway kundi maging laban sa colorum vehicles at iba pang batas sa kalsada.

Ang hindi umano pagsunod ay magreresulta sa pagtanggal ng kanilang deputization.

Facebook Comments