
Ipinatatawag na ng Land Transportation Office (LTO) 7 Operations Division ang driver at may ari ng SUV sa insidente ng hit and run sa Cebu City.
Ayon LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao Batay sa SCO, suspendido na rin ng siyamnapung (90) araw ang lisensya ng driver at ang sasakyan ay alarmado habang patuloy ang imbestigasyon.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nakabangga ang nasabing driver ng SUV ng isang naka-park na sedan.
Pero, hindi ito huminto at sa kanyang pagtakas ay nakabundol ng isang pedestrian sa Brgy. Banilad, Maria Luisa Village, Cebu City.
Tinakasan nya ang biktima na dead-on-arrival sa isang ospital.
Nahuli lamang ang driver nang mawalan ng kontrol at bumaligtad patagilid ang kanyang sasakyan.
Nahaharap ang driver sa mga kasong reckless driving, unfit to possess a driver’s license at person driving under the influence of alcohol or dangerous drugs and other similar substances.
Sasampahan din ang driver ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.










