LTOP, gustong isulong na maging pinuno ng Senate Committee on Transportation si Senator-elect Tolentino

Manila, Philippines – Ngayong matunog na ang hatian ng komite sa Senado, isinusulong ngayon ng Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas (LTOP) na maitalaga si Senator-elect Francis Tolentino bilang chairman ng Committee on Transportation sa Senado.

Ayon kay Lando Marquez, pangulo ng LTOP, malaki ang maitutulong ni Tolentino sa pagsusulong ng modernisasyon ng sektor ng transportasyon dahil taglay nito ang malawak na karanasan bilang dating tagapamuno ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Mas mabilis na makapag-aambag ng mga solusyon si Tolentino sa mga hinaing ng mga operator ng mga pampublikong sasakyan.


Sa ngayon aniya ay pangunahing kailangang matugunan ng gobyerno ang paglalagay ng mas malaking subsidiya para maisulong ang ganap na implementasyon ng PUV modernization program.

Aniya, kung kaya ng gobyerno na magkaloob ng Pantawid Pamilya subsidy mas madali naman sana makapagbigay ng subsidiya para sa transport modernization.

 

 

 

Facebook Comments