LTOP, NAGSUMITE NG PETISYON SA LTFRB PARA SA TAAS-PASAHE NG JEEP SA REGION 1

Inihain ngayon ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOP ang isang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para umano sa pagbibigay daan sa P3 na fare increase sa mga pampasaherong jeepney na bumabiyahe sa Ilocos Region.

Ang hinihinging P3 taas-pamasahe ay para sa unang apat na kilometro na biyahe ng mga ito.

Ayon sa Regional President ng LTOP na si Patricio Evangelista, humihingi sila ng P3 na fare increase dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo na lubhang nagpapaapekto sa mga PUJ drivers ng rehiyon.


Ang kahilingan umano na ito ay dahil sa nahihirapan din sila sa pagpapasada dahil sa ipinatutupad na 50% seating capacity dahil sa pandemya.

Nabatid na ang kanilang petisyon ay isinumite pa nila noong Oktubre 13, 2021 sa tulong ng mga national officers ng LTOP.

Umaasa ang LTOP na pakikinggan ng LTRFB ang kanilang kahilingan para makatulong sa mga drayber.###

Facebook Comments