LTOPF AT FIREARMS REGISTRATION CARAVAN, ISASAGAWA SA SIYUDAD NG SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Magkakaroon ng License To Own and Possess Firearms (LTOPF) and Firearms Registration Caravan sa ika-30 ng Enero sa Center Atrium, Robinsons, Brgy. Mabini, Santiago City.

Ang naturang caravan ay inisyatibo ng Santiago City Police Office at Regional Civil Security Unit 2.

Para sa mga magre-renew ng kanilang LTOPF, kinakailangan nilang magdala ng National Police Clearance at Application Form.


Para naman sa mga kukuha ng bagong LTOPF, kailangang magdala ng application form, National Police Clearance, NSO Birth Certificate, Proof of Billing o Barangay Clearance para sa LTOPF purpose, at isang valid government ID.

Para sa firearms registration, kinakailangan lang magdala ng application form at kopya ng LTOPF Certificate.

Samantala, inaanyayahan ng mga otoridad ang mga gun enthusiasts at firearm owners na dumalo sa caravan upang mapadali ang proseso ng pag-aaplay.

Facebook Comments