Cauayan City – Nakatakdang magsagawa ng License To Own and Possess Firearm Caravan sa bayan ng Echague, Isabela.
Sa inilabas na anunsyo, magaganap ang LTOPF at Firearms Registration sa darating na ika-18 ng Setyembre, sa Echague Banchetto Skybox, Echague,
Isabela.
Para sa Renewal of LTOPF, kinakailangang magdala ng Notarized LTOPF application form, Affidavit of Undertaking para sa mga 10 years validity, National Police Clearance, Neuro Exam galing sa PNP Health Service at Drug Test mula sa PNP Forensic Unit.
Samantala, para naman sa transfer of Ownership Firearm Registration kinakailangang magdala ng Updated LTOPF, Notarized Firearm Registration Form, at Deed of Sale o Waiver of Right.
Para naman sa Renewal of Firearm Registration kailangan rin ng updated LTOPF, at notarized registration form.
Ang aktibidad na ito ay pangungunahan ng Regional Civil Security Group katuwang ang Police Regional Office 2.