LUBAK-LUBAK AT KAKULANGAN SA DRAINAGE NG D. VISPERAS ROAD SA MANGALDAN, KASADO NA NGAYONG NOBYEMBRE

Kasado na ang pagsasaayos ng D. Visperas Provincial Road sa Mangaldan upang tugunan ang problema sa lubak-lubak na kalsada at mapigilan ang pagbaha sa lugar.

Nakatakdang simulan sa Nobyembre ang pag-aaspalto sa mga bahagi ng daan, habang inihahanda naman ang P20-milyong pondo para sa road concreting at drainage project.

Mula sa kabuuang 5.2 kilometro ng kalsada, isang kilometro muna ang maaayos sa unang yugto ng proyekto.

Isinagawa rin ang isang pulong upang talakayin ang mga hakbang laban sa pagbaha sa ilang barangay sa bayan.

Isa sa mga napagtuunan ng pansin ang kakulangan ng drainage system at baradong kanal na nagdudulot ng pagbaha.

Hinimok ang mga barangay na makiisa sa paglilinis ng mga kanal at pagpapaalala sa mga residente na huwag magtapon ng basura kung saan-saan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments