LUBAK-LUBAK NA KALSADA SA ZAMORA ST. DAGUPAN CITY, ININSPEKSYON

Ininspeksyon ng mga konsehal ang lubak-lubak na bahagi ng kalsada sa Zamora St, Barangay IV, Dagupan City, kahapon.

Kasama ang City Engineering Office personnel, isinaad nito na depektibo umano ang isinagawang proyekto sa nasabing bahagi.

Noong Disyembre 2022, sinubukan umano ng kasalukuyang kontraktor na makipag-ugnayan sa dating kontraktor na humawak sa nasabing proyekto nang sa gayon ay maipagpatuloy ang pagsasagawa nito ngunit mapa-hanggang ngayon ay wala pa rin ito tugon.

Sa kabilang banda, ilang proyektong naglalayon na maibsan ang pagbaha at mga road elevation at drainage upgrade ang kasalukuyang isinasagawa sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments