Nasa critical risk classification na ng COVID-19 ang Lubang Island at Dumaguete City.
Ayon sa OCTA Research Team, nasa 58 na ang 7-day average case sa Lubang Island na katumbas ng average daily attack rate na 290 kada 100,000 katao.
Nananatili naman sa 3.61 ang reproduction number ng Lubang Island, habang nasa “high risk” classification naman ang Zamboanga City, La Trinidad at San Mateo, Isabela.
Gayunman, pababa na rin ang trend ng mga kaso sa Zamboanga City at La Trinidad base sa pamantayan na ginamit ng OCTA Research.
Facebook Comments