Lubang Island, dalawang linggong ila-lockdown

48

Simula bukas, October 27, dalawang linggong isasailalim sa lockdown ang Lubang Island sa Occidental Mindoro.

Kasunod ito ng pagtaas ng COVID-19 cases sa lugar.

Ayon kay Mayor Michael Orayani, suspendido rin muna ang operasyon ng passenger sea vessel na galing at patungo sa munisipalidad hanggang November 4 matapos na magpositibo sa virus ang isa nitong crew.


Tiniyak naman ng alkalde na sapat ang kanilang isolation facilities.

Una rito, iniulat ng OCTA Research Group na tumaas ng 580% ang kaso ng COVID-19 sa Lubang Island habang mayroon itong 3.61 reproduction number.

Facebook Comments