Lubang, Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.4 earthquake kaninang madaling araw; ilang lugar sa Metro Manila, kasama ring niyanig ayon sa PHIVOLCS

Naramdaman sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at lalawigan ang pagyanig sa Bayan ng Lubang sa Occidental Mindoro kaninang alas-3:18 ng madaling araw.

Base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang pinagmulan ng magnitude 5.4 earthquake na may lalim na 76 na kilometro.

Naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 20 kilometro sa bahagi ng Hilagang Kanluran ng Lubang.


Naramdaman ang intensity IV sa Makati City, Manila, Navotas City at Parañaque, Calatagan sa Batangas, Malolos City at San Ildefonso sa Bulacan.

Habang intensity III naman sa Malabon City, Mandaluyong City, Pasay City, Taguig City, Tagaytay City, Cavite, Calapan City, at Puerto Galera Oriental Mindoro, Calatagan at Lipa City, Batangas.

Naramdaman din ang intensity III sa Talisay sa Batangas, Bacoor City, Muntinlupa City at Guagua sa Pampanga.

Intensity II naman sa Magalang, Pampanga at San Juan City.

Intensity I ang naramdaman sa San Jose, Occidental Mindoro, Palayan City, at San Jose City, Nueva Ecija, Gumaca Quezon at Baler sa Aurora.

Samantala, nasundan din ito ng mga mahihinang aftershocks pagkatapos ng pagyanig kaninang madaling araw.

Facebook Comments