Tatlong halos magkakasunod na lindol ang naramdaman sa Bayan ng Lubang sa Occidental Mindoro kaninang umaga.
Batay na tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naramdaman ang lindol pasado alas-2:15 ng umaga na may lakas na 3.2 magnitude at may lalim na 29 kilometers.
3.0 magnitude naman ang lakas at may lalim na 33 kilometers ang lindol na yumanig pasado alas-5:29 ng umaga.
Muling niyanig ang nasabing bayan pasado alas-6:12 ng umaga na may lakas na 3.1 magnitude sa layong 55 kilometers at may lalim na 116 kilometers.
Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig.
Sa kabila nito, wala namang nasaktan at nasirang gusali dulot ng pagyanig.
Facebook Comments