Lubos na pagpapatupad ng Telecommuting or Work From Home Law, makakatugon sa problema sa trapiko

Ipinaalala ni Senator Joel Villanueva sa mga negosyo at pamahalaan ang kahalagahan na maipatupad ng lubos ang Telecommuting o Work-From-Home (WFH) Law lalo na sa mga lugar kung saan malala ang trapiko.

Giit ni Villanueva, hangga’t walang malinaw na solusyon ang problema natin sa trapiko at transportasyon, ay ang alternative working arrangements dapat ang pairalin para sa mga manggagawa at negosyo.

Sa ilalim ng Telecommuting Act ay pinapahintulutan ang boluntaryong alternative work arrangements gaya ng WFH para sa mga empleyado at employer.


Paliwanag ni Villanueva, maraming oras ang nasasayang dahil sa trapiko kung saan sa halip na maging productive ang mga manggagawa, ay dalawa hanggang tatlong oras o higit pa ang nagugugol nila sa daan kada araw para lang makapunta sa trabaho at makauwi.

Binanggit din ni Villanueva ang ulat ng Japan International Cooperation Agency noong 2018 na dahil sa problema sa trapiko ay ₱3.5-B kada araw ang nawawala sa ating ekonomiya kada araw na tinatayang aakyat sa ₱5.4-B kada araw pagdating ng taong 2035.

Facebook Comments