LUBUSIN NA | Atty. Larry Gadon, pinayuhan si CJ Sereno na tuluyang magbitiw na sa pwesto

Manila, Philippines – Iginiit ni Atty. Larry Gadon na lubusin na ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanyang indefinite leave sa Korte Suprema.

Ayon kay Gadon, `very obvious` naman na hindi kwalipikado si Sereno na maging punong mahistrado sa mga lumalabas sa pagdinig ng impeachment complaint nito.

Aniya, saan naman nakakita na isang Chief Justice ay naluklok sa pwesto na kulang sa requirements partikular ang SALN.


Kahit mismo ang dating Pangulong Noynoy Aquino ay naghugas kamay sa kaso ng punong mahistrado patunay na ito at admission o pag-amin na nagkaroon ng error sa pagkakatalaga kay Sereno sa Korte Suprema.

Samantala, pinayagan naman na ng House Committee on Justice ang hiling ng mga Psychiatrists na sumuri kay Sereno para sa Executive Session at sa Immunity laban sa kaso.

Dito ay ilalabas ang resulta sa Psychological at Psychiatric Test kay Sereno at iginiit ni Justice Committee Chairman Rey Umali na hindi pwedeng ipilit ng mga Psychiatrist ang Doctor-Patient Relationship para igiit ang confidentiality ng ginawang test kay Sereno.

Facebook Comments