Bilang bahagi ng selebrasyon ng Chinese New Year, isang lucky giant tikoy na may bigat na 25 kilograms ang itinampok noong Miyerkules sa SM City Rosales.
Ang lucky giant tikoy ay isang kakanin na kinakain tuwing Chinese New Year na simbolo ng kasaganaan at magandang kapalaran.
Pinangunahan ito ng SM Malls katuwang ang Angkong Noodles upang ipakilala ang kultura at tradisyon ng Filipino-Chinese community.
Ayon kay Chao Chua, Assistant Mall Manager ng SM City Rosales, ang tikoy ang kanilang piniling itampok sapagkat may mahalagang kahulugan ito sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ayon naman kay Aloy Pecho, isang Sales & Marketing Manager ng Angkong Noodles at chosen provider ng lucky giant tikoy, isang magandang paraan ito upang mapalakas ang ugnayan sa komunidad.
Samantala, matapos itampok ang malaking tikoy, ipinamahagi ito ng libre kung saan ito’y pinilahan ng mga mall goers upang matikman ito kung gaano kasarap.
Layunin ng naturang pagtatampok ng lucky giant tikoy na hindi lamang ipagdiwang ang Chinese New Year, kundi pati na rin itaguyod ang mga tradisyunal na kaugalian at koneksyon ng mga Filipino-Chinese sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨