LUCKY PROSPERITY TREE SA ISANG MALL SA DAGUPAN CITY PABORITONG PICTURE SPOT NGAYONG CHINESE NEW YEAR

Sa panahon ngayon, kung hindi mo nai-post, parang hindi nangyari—at tila ito ang dahilan kung bakit patok na patok ang Lucky Prosperity Tree sa SM Center Dagupan.

Bukod sa pagiging simbolo ng suwerte ngayong Year of the Wood Snake, naging instant selfie hotspot ito para sa mga mall goers, lalo na sa mga estudyante at pamilyang mahilig sa social media.

Ang Lucky Prosperity Tree, na nakapwesto sa main entrance ng mall, ay hindi lang basta dekorasyon—isa itong Instagram-worthy spot na pinupuntahan ng marami para kumuha ng litrato.

Ayon kay Mr. Stephen Viray, Building Administration Officer ng SM Center Dagupan, ang palamuting ito ay kabilang sa Chinese Ornament na bahagi ng kanilang Chinese New Year celebration.

Maliban sa pagiging magandang backdrop para sa mga larawan, may extra perk pa ang pagbisita sa Lucky Prosperity Tree dahil sa papremyo.

Dagdag pa rito, makikita rin sa mall ang iba pang lucky charms tulad ng figurines at bracelets na pinaniniwalaang magdadala ng good fortune sa mga bibili nito.

Ngayong araw naman magkakaroon ng lion and dragon dance presentation.

Magpapatuloy ang Lucky Prosperity Tree at iba pang Chinese New Year displays hanggang Biyernes, January 31. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments