Lucy Torres, ibinahagi ang pagdiriwang nila ni Richard ng 19th wedding anniversary

Manila, Philippines – Masayang ipinagdiwang ni Richard Gomez at Lucy Torres ang kanilang ika-19th wedding anniversary kahapon (April 28).
Sa kaniyang Instagram account nag-post si Lucy ng lumang larawan nila noong sila ay ikinasal kung saan may caption ito na nagmamalaki sa nasabing masayang pagsasama nila at ang pagbuo nila ng pamilya.
Pinadama din nito kung gaano niya sobrang kamahal si Richard sa kabila ng mga dumadating sa kanila na mga isyu.
Noong Abril 28, 1998 ay ikinasal ang dalawa at sila ay nagkaroon ng isang anak na si Juliana.

Facebook Comments