Lugar na hawak ng Maute group sa Marawi, nasa 20-porsiyento na lamang

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa 20 porsiyento na lamang ng Marawi City ang hawak ngayon ng Maute Group.

Ayon sa alkalde ng Marawi City na si Majul Usman Gandamra – lumalala lamang aniya ang sitwasyon dahil palipat-lipat ng lugar ang mga bandido.

Nanawagan din si Gandamra sa mga residente ng lungsod na lumikas na sa kanilang mga tahanan.


Tiniyak naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – na lalansagin ang lahat ng mga terorista na naghahasik ng karasahan sa Marawi City.

Aniya, sa lalong madaling panahon ay target nilang maibalik sa normal ang sitwasyon at pamumuhay sa marawi.

Kinumpirma din ni Padilla na anim sa mga nasawi sa bakbakan sa marawi ay mga international terrorists.

Sa huling tala ng AFP, nasa 31 miyembro ng Maute ang napatay sa bakbakan kuing saan nakarekober ang ilang high powered firearms.

Sa panig naman ng gobyerno, sinabi ni Padilla na aabot na sa 11 ang nasawi na sundalo at dalawang pulis habang 39 naman ang nasugatan.

 

Facebook Comments