Lugar na isinailalim sa granular lockdown sa NCR, 73 nalang

Bumaba ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown sa National Capital Region (NCR) dahil pa rin sa kaso ng COVID-19.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula 105 noong Biyernes ay bumaba sa 73 ang mga apekdong lugar sa NCR.

Kinabibilangan ito ng 48 kabahayan, 16 residential buildings at 5 subdibisyon.


Ang mga ito ay matatagpuan sa 49 barangay mula sa 5 lungsod at munisipalidad sa NCR.

Naka-deploy pa rin ang 281 PNP personnel at 179 force multipliers para matiyak na naipapatupad ang minimum public health standards.

Facebook Comments