Lugar na naka-granular lockdown sa bansa, nasa mahigit 800 pa ayon sa PNP

May mga lugar pa rin sa bansa na naka-granular lockdown dahil sa COVID-19.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) Command Center may 884 areas pa na naka-granular lockdown.

Nangunguna sa rehiyon na may pinakamaraming granular lockdown areas ang Cordillera na may 406, sinundan ng Ilocos Region na may 292 at Cagayan Valley region na may 152.


Samantala, sinabi naman ng PNP na aabot sa 2,359 na indibidwal ang apektado ng granular lockdown sa bansa.

Nanatiling naka-deploy ang mga tauhan ng PNP at force multipliers upang matiyak ang health protocols sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments