May limang lugar sa Metro Manila ang nadagdag sa mga area na isinailalim sa granular lockdown.
Sa ngayon, umaabot na ito sa 224 mula sa 219 na lugar kahapon na mula sa 123 barangay sa Metro Manila.
Batay ito sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nag-deploy ng 573 police personnel mula sa iba’t ibang distrito para tumulong sa 663 barangay tanod at force multipliers sa pagpapatupad ng paghihigpit dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Pinakamaraming lockdown areas ay sa area of responsibility ng Southern Police District na umabot sa 61 na areas sa 55 na barangay.
Kasunod ang sakop ng Eastern Police District na may 60 lockdown areas sa 20 barangay at ang sakop naman ng Quezon City Police District (QCPD) ay may 43 lockdown areas sa 26 barangay.
Habang ang area of responsibility ng Northern Police District ay mayroong 42 lockdown areas sa 15 barangay at ang sakop ng Manila Police District ay may 18 lockdown areas sa pitong barangay.